Search This Blog

Monday, May 10, 2010

Confession of a DIVAholic!

Actually, sasabihin ko sa inyo ang totoo… hindi ako mahilig sa mga Filipino shows. Para sa akin, sobrang baduy! Pero teka…. Ano itong pinapanood nina nanay? Starstruck V? Meron pa pala nito? Huli kong narinig ang tungkol dito eh panahon pa nina Mark Herras at Jennilyn Mercado.

Kapapakabit pa lang namin ng GMA Pinoy TV. Isa lang ang pinapanood kong tagalog show at yan eh ang Bubble Gang. Lagi ko pa ngang pinagbibilin sa mga kamag-anak namin sa Pinas na ipag-record ako ng mga episodes. Pero teka…. Gusto kong silipin ang pinapanood nina nanay! Hmmmm…. 28 pa ang mga contestants! Pero teka…. May nakita akong matangkad na Filipina beauty! DIVA MONTELABA? Ganda n’ya ha!!!! Hmmmm…. Maka-upo nga muna….

And the rest is history, ika nga. Aakalain ko bang isang Diva Montelaba ang magtuturo sa akin para maging isang tunay na KAPUSO. Yes, people. Aaminin ko na… ngayon isa na akong DIVAholic.

DaWhoctionary

DIVAholicsSamahan ng mga taong adik kay DIVA MONTELABA…

Paano nangyari sa akin ito??? Let me enumerate some of the reasons….

1. Maganda si Diva. Sa panlasang Pilipino, masakit mang aminin, masyado tayong mahilig sa mga mestiza. Sa akin naman eh sawa na ako sa mga tisay sa Philippine Showbiz. Panahon na para muling ma-recognize ang mga tunay na gandang Pinay. Sabi nga ng boss ko… “Filipinos are gorgeous people”.

2. Multi-Talented si Diva. Ako kasi, di ako madaling ma-please. Hinding-hindi ako maaaring sumuporta sa isang artistang pa-cute lang. Diva has the talent, the beauty and the x-factor to be a certified star. Hindi ako susuporta sa isang taong hindi ako magiging proud. I’m so proud of her. She can sing, she can act(Best actress during the acting week), she is very good in hosting and most certainly, she can dance (best female performer during the dance week and tagged as The New dance DIVA in Unang Hirit In3ga Express). Ano pa ang hahanapin ko?

3. She needs my support. Compared to the other contestants, s’ya talaga ang pakiramdam ko’y nangangailangan ng suporta ko. Kaya naman during the contest, todo-todo ang pagbabasag ko ng mga “Piggies”. Take note, peepz, “Piggies”, as in plural!!! Hahaha!!!

4. Hindi siya plastik. What you see is what you get. She is a very cool person. Hindi ko pa siya nami-meet in person pero I know, based sa mga taong nakilala na s’ya sa personal, she is a good person.

Madami pa, pero bibigyan ko ng pagkakataon yung iba na sabihin sa inyo ang kani-kanilang mga kwento.

Sa totoo lang, tahimik akong tao. Tahimik lang talaga ako. Hindi ako makulit…. hindi nga ako makulit..hahaha! Pero lumalabas ang pagiging makulit ko sa PinoyExchange Forums! Hahaha! Ang saya-saya kaya doon. Nakakawala ng stress kapag nakaka-usap ko ang mga kapwa ko DIVAholics. Isa lang ang common denominator namin… Love namin DIVA or Dai…..

Isa pa sa pinaka-importante, nakatagpo ako ng mga bagong kaibigan. Bukod kay Diva, nakilala ko rin sina Ate Jheng, Bunso(Lex), Mikey, Ria, Lenny, Lodz, Julie, Jackie, Jen, Juicy, Zaih, ms.friendship, Mavic, Juss , Liox at doon sa hindi na nabanggit sa dami. Syempre si Ate Weng na Auntie ni Diva.

Ngayon…. Eto…. Patuloy pa rin ang pagka-adik. Ang masama nito, kahit saang Rehabilitation Center ako i-confine, wala na akong pag-asang maka-recover. Sabagay, ayoko namang gumaling. I want to be a DIVAholic forever and ever….. To the highest level na ito! hahaha!!!

I am trying my best to be updated sa lahat ng guestings at performances ni Diva. Sa totoo lang, nagsisilbi siyang pang-alis ng pagod kapag galing ako sa trabaho. Dito sa US, sobra ang pressure sa work. Pagdating ko sa bahay, gusto ko malibang at ma-entertain. Diva is the best talaga! I just hope na mabigyan s’ya ng big break ‘cause she deserves it. Siguro kapag nangyari yan, I’ll be so happy, mag-aaral akong mag-tumbling! XD

I’m thinking now… Ano kayang mangyayari kapag nakita ko s’ya sa personal? Dalawa lang ang naiisip ko eh. It’s either matameme ako dahil na-starstruck ako sa kanya or s’ya ang matameme dahil na-starstruck s’ya sa akin! XD Basta! Paghahandaan ko yan ng bonggang-bongga! Until then, I’ll be so excited!

From here, the saga continues….

Ano ang susunod na mangyayari sa akin? Mananatili kayang mainit ang pagsuporta ko kay Diva? May susunod pa ba sa article na ito? Ma-ban kaya ako sa site na ito? Hahaha!!!

We love you, Diva!

By: Ms. Keane Yu

2 comments:

alexia said...

hahaha.. adik mo talaga ate! hahah!!! Divaholic forever! ahha :)

ms. keane said...

Wala eh. Adik lang po! hahaha!