Search This Blog

Monday, August 2, 2010

Diva Strut her Stuff for Modelo Pilipinas Graduation Fashion Event



by apriljheng
3 August 2010, 1:07am

Fourth time na rumampa ni Diva Montelaba bilang isa nang celebrity…Una ay sa 2010 Guess Spring-Summer Collection show noong February 9, together with other Starstruck finalists, avengers and graduates; pangalawa ay noong Bench Fashion Week last May 31 kasama ng iba’t-ibang celebrities at professional models; ikatlo ay ang Bench Denim and Underwear Fashion Show na ginanap sa Araneta Coliseum nitong July 2 at ang latest ay ang Graduation Fashion Show of Modelo Pilipinas, ang casting and training center for modeling kung saan ay nabigyan ng pagkakataon si Diva na mag-training thru GMAAC.

Marami ang nakakaalam na hindi na masasabing bago kay Diva ang pagmomodelo. In fact noong nasa Cebu pa siya ay ginagawa na niya ang pagrampa. Napasok na din niya minsan ang print ad. Dahil kinakitaan siya ng malaking potensiyal ng GMMAC,binigyan siya ng chance sumailalim sa training para lalo pa niyang ma-enhance ang kanyang kakayahan sa larangang ito.Bilang isa sa naging finalists ng reality show na Starstruck V, hindi na nakakagulat na maka-hakot siya ng atensiyon sa mga nanonood ng fashion show. Pero hindi lang dahil sa isa na siyang artista kung hindi dahil na din sa natural na husay ni Diva sa pagrampa.Napatunayan ito ng mapansin siya at makakuha ng mga positive remarks sa pag-rampa noong Bench Fashion Week. She is confident. she has a good posture, maganda ang height at maraming nakapagsabi na natural na magaling siya magdala ng kanyang sarili, mahusay lumakad kung kaya’t di ako magtataka na soon she’ll have her own star sa larangan ng pagmomodelo at makikilala siya sa sarili niyang istilo at galaw.


Nitong nakaraang Linggo, Agosto 1, idinaos ang graduation ng 27th batch. With that confidence Diva had built in herself, sa aking obserbasyon, hindi maikakaila ng mga manonood sa araw na iyon na nag-stand out si Diva. Minsan pa pinatunayan niya na tunay na kung mahal mo ang isang bagay na ginagawa mo, hindi magiging mahirap para sa iyo na gawin ito at umangat sa nakararami.




0 comments: