Search This Blog

Monday, August 2, 2010

HEART TO HEART WITH STARSTRUCK DIVA MONTELABA


LET’S TALK ABOUT another Cebuana singer/actress ‘gurl’ Diva Montelaba, o si Hyacienth Diva Montelaba in real life. Oh my! She honestly talked to me about herself. It was a confession with a heart. Expressly, I say she’s not an ordinary girl because of her experiences as a systematic, smart, streetwise person. But actually, she’s very frank at mapagmasid sa paligid. Malakas ang kanyang power at mindset to overcome all challenges. I think she’s a very good, charismatic type of an actress.

Diva is a tough girl, real pretty Morena and true blooded Filipina. Laki siya sa lola niya at kamakailan lamang ay na-confine ito. Tayo naman ay nagbibigay ng moral support at prayer para rito dahil ito na ang itinuturing na pangalawang ina ni Diva. Pagaling ho, kayo.

How about your dad? “I don’t have my dad. I never experienced being with my dad.” How about your mom? “She has her own family, so I grew up with my lola.”

Ooh whatta girl! So sad really, but don’t worry, you’ll gonna grow more mature and you’ll become a big star. Now na! Ha-ha-ha-ha! Ako na lang ang dad mo kaya? Wow! Dami ko nang anak.

ANG BIG DREAM AY ‘YONG PROMISE KAY GRANDMA

Ano ang naging dream mo at napunta ka sa Kapuso? “Ang talagang pangarap ko lang talaga eh, si Mama (grandmother) kasi I have this promise naman talaga. Alam naman natin na mawawala tayo sa mundo. May promise ako sa kanya, kasi nga siya iyong nagpalaki sa akin. Alam ko maibibigay ko sa kanya, kasi gusto niyang pumunta ng Amerika. So ayun po… ‘yun ang pinanghahawakan ko talaga.”

Ah, hindi na malayo kasi kapag may mga projects, pupunta ka tiyak sa ibang bansa. At ‘di malayo ang pangarap, abot-kamay lang kung masipag lang. Nanay, pagaling ho kayo pupunta pa kayo ng ibang bansa (America). ‘Yun ang promise ni Diva sa inyo dahil ayon sa kanya, ikaw ang itinuturing niyang ina, as in walang iba. Wow, huh! Go, go girl!

HOBBY NG BIDANG DIVA

“Ako kasi iyong tipikal na bata sa probinsiya. Naglalaro sa kalsada, nagba-bike, naglalaro sa… alam mo iyong farm? Mga ganu’n.”

At alam ninyo, sinabi niyang cowboy siya’t marunong ding sumakay ng kalabaw. “Kaya, hindi malayong sobrang cowboy ako ngayon, lumaki akong cowboy.”

Ang hobby mo gurl? “Ay, billiards! Saka basketball!” Ay! Panlalaki, ha-ha-ha!

PAANO MAGKATIPO SA GUY

“Iba kasi ako, ‘pag may gusto ako sa lalaki, mas madali kong nako-close. Kasi parang barkada lang at kinikilig din ako na hindi halata. Alam mo ‘yun, kung kumportable sa isa’t isa, tipong pare-pare. Ako iyong kaibigan na malalapitan mo kahit gaano kalaki ang problema. Saka ako iyong kaibigan na super ipinapakita ko talaga kung ano iyong dapat bilang kaibigan.” Nice girl. “Joker ako, sobra-sobra. Patawa, ganu’n.”

Mas gusto mo ba iyon dahil parang outlet mo, or what? “Ah, iyon talaga ako even before, eh. Parang sa dinami-dami ng problema ko, kahit parang unti-unti nawawala.”

Ah, ano ang masasabi mo para sa Pinoy Parazzi? “Hayun! Uy, na-cover ako sa Pinoy Parazzi nu’n, huh! I want to say thank you kasi may mga write-ups and articles na may style, natutuwa kami. Generally sa press, thank you, kasi ‘yung nakakaharap ko at nakakausap ko, ang babait. Sa Pinoy Parazzi, thank you. Sobrang sikat kayo ngayon. Congratulations! Sana, I would have interviews, every other time, para you would know about us. Suportahan ninyo po kami.”

Mga kaparatsi, naimbitahan ang inyong lingkod bilang kapartner sa radio. Abangan ninyo ang usapan namin sa “Ang Showbiz Grande and Talk w/ Zaldy” tuwing Linggo 2:00-3:00 ng hapon. Regular ninyong mapapakinggan ito sa DZXQ 1350 khz AM Radio. Isang oras ng talakan sa aking kaibigang si Zaldy Rolex. Pinag-uusapan namin ang mga kinikilalang artista, pinupuri natin at pinupuna. Anyways, constructive criticism naman. Maraming salamat, kaibigan. Next week umasa kayo, ilalabas natin ang aming mga tinalakay.

Pinoy Parazzi

Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

http://www.pinoyparazzi.com/heart-to-heart-with-starstruck-diva-montelaba/

0 comments: