Search This Blog

Thursday, December 23, 2010

Diva at Skechers Christmas Party!





One afternoon, my friend, Ria and I were discussing kung sino ang sasama kay Diva in settling our Christmas Party venue, since she sought for our assistance. And though both of us are willing to come with her, we still weigh kung alin ba ang mas magiging madali para sa aming tatlo. Both of us are far from Quezon City, my friend is from Paranaque at ako naman ay  from Rizal. So, obviously, siya na. On the next day, I was waiting for a call or even a text from Diva. Nakikiramdam lang kung matutuloy ang lakad ng dalawa. Here comes 4 pm in the afternoon, my friend texted that they will be going to meet at SM North Edsa. "Ay salamat naman, matutuloy din!", sabi ko sa sarili ko. Medyo matagal na plano na kaya I was really hoping that it will be pushed through na talaga.

While on their way, my friend called again, asking the exact location and easiest way to get to the venue.My friend is as adventurous as I am, at yung tipong kakayaning puntahan lahat ng lugar na gusto niyang puntahan basta may pera lang! Saka walang mahirap sa kanya basta gusto niya yung company ng tao sa paligid  niya at nag-eenjoy siya! Kaya secured ang feeling ko na makakarating sila doon ng madali at hassle-free kahit di ako kasama sa pamamagitan lang ng simpleng instruction ko! Maya-maya pa ay she informed me,  na nandoon na sila. Finally, they settled everything about the place. Ang hinihintay na lang namin ay ang Dec 28 for our post-Christmas Partyyyyy!

All the while akala ko, yung friend ko lang na si Ria ang kasama ni Diva. Kasama din pala ang isa ko pang kadikit-balikat, kabagang at kaututang-dila  na si Lods! :)  At hindi nag-end sa Party venue seeking ang adventure ng tatlo, they went straight to Tektite building in Ortigas Center in Pasig City to attend the Skechers Christmas Party! Since Skechers Phils. is Diva's shoes sponsor, di nila ito pinalampas. Ang highlight ng attendance ng tatlo ay ng mahilingan si Diva to render a song. Siyempre, kahit walang practice at kahit na walang CD (Take note: walang naka-ready na minus one CD for her at wala din silang dala) nagpaunlak pa din siya sa mga tao dun. Ang ginamit: niya yung naka-download na songs sa phone niya. :) Knowing Diva, gagawin niya ang makakaya niya to please everyone. And knowing her more, kaya niyang magpasaya ng audience sa sarili niyang paraan. This time she sang  Rude Boy by Rihanna. Watch her in this video!




Posted by apriljheng/ Photos and Videos by todjie

0 comments: