Search This Blog

Thursday, July 29, 2010

Diva Montelaba, gustong matutong mag-Tagalog si Steven

Hindi ka ba nahirapang maka-eksena si Steven Silva? Anu-ano ang ginawa mong preparations para sa LoveBug? ‘Yan ang mga tanong na sinagot ni Diva. Text by Ayessa De La Pena



starsDagdag pa ni Diva, gusto niya ring matuto talagang mag-Tagalog Si Steven, “Kasi pag gusto mo talaga ‘yong ginagawa mo, hindi ka nahihirapan. Eh ako gusto ko talaga siyang turuan kasi gusto ko siyang matuto, kaya ‘di ako nahihirapan”

Kumusta naman kaya ang kanyang pagtatrabaho kasama ang final four ng Starstruck V? Hindi ba siya nahirapan o nailang man lang sa mga eksenang kailangan ang matinding emosyon?

“Kung hindi kami nagkasama sa Starstruck, for sure mas mahihirapan kami at mas maiilang kami sa isa’t isa Pero hindi, since alam kong ang lalim na kasi ng nabuo naming friendship eh, so hindi na kami naiilang,” sagot pa ni Diva.

Anu-ano naman kaya ang kanyang ginawang personal preparations para sa show na ito, bukod sa pag-attend niya sa mga workshops? “Siguro ‘yong hindi ko pine-pressure ang sarili ko and binabasa ko ‘yong script pag may time ako. Sini-sink in ko siya sa utak ko. And I’m in my character na everytime nagre-rehearse ako,” pagtatapos ni Diva.

Panoorin ang LoveBug presents Exchange of Hearts tuwing Linggo, after Party Pilipinas.

Pag-usapan si Diva sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!

Get more updates from Diva through her Fanatxt service. Just text DIVAM (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpaper, just text GOMMS (space) DIVA (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.

0 comments: