Search This Blog

Monday, July 26, 2010

Diva Montelaba at Party Pilipinas SM Cebu Mall Show !




by apriljheng
July 26, 2010
7:37 am

Kahit pagod pa mula sa mall show sa SM Batangas ang cast ng Love Bug noong July23, kinabukasan, July 24 ay maagang lumipad sina Diva Montelaba at Enzo Pineda patungong Queen City of the South para naman sa mall show nila sa SM Cebu. Bahagi ito sa programa ng GMA 7 na mailapit sa mga Kapuso natin mula sa iba't-ibang panig ng Pilipinas at ganun din sa ibang bahagi ng mundo ang pinakamainit at pinakamasayang nangungunang pantanghaling programa ngayon, ang Party Pilipinas.

Kabilang sa nakasama nina Diva at Enzo ay ang magagaling na Kapuso stars /singers na sina Julie Anne San Jose, Gian Magdangal at Miguel Escueta. Mainit na mainit ang naging pagtanggap ng mga Cebuano sa kanila at talagang nag-enjoy ng husto na mapanood at mapakinggan ang galing nila sa pagkanta.

Tulad ng inaasahang masaksihan ng kanyang mga kababayang Cebuano, ipinakita ni Diva ang husay niya sa pagsayaw, ganoon din ang kaparehang si Enzo. Narito ang ilang bahagi ng Party Pilipinas Cebu mall show:

---Pause the "playlist" at the right side bar to watch this video--->


Video courtesy of arcimon

0 comments: