Search This Blog

Saturday, July 17, 2010

StarStruck V Final 4, magpapakilig sa Exchange of Hearts


iGMA.tv July 16, 2010

Magsisimula na ang latest offering ng 'LoveBug' ngayong linggo, ang "Exchange of Hearts". Ano kaya ang pakiramdam nina Sarah, Enzo, at Diva ng StarStruck V sa unang project nila na ito? Text by Karen de Castro. Photo by Mitch Mauricio.


This Sunday ay magsisimula na ang ikatlong episode ng LoveBug, ang Exchange of Hearts. This time ay dadalhin naman ng LoveBug ang mga manonood sa isa sa mga pinakamagagandang isla sa ating bansa, na siya ring kauna-unahang local destination that will be featured in the show - Camiguin.

Dito sa
Exchange of Hearts ay makikita ng mga manonood kung ano ang gagawin ng dalawang couples when they find themselves exchanging partners dahil sa mga kaganapan sa kanilang buhay. Ang apat na gaganap sa kanilang kauna-unahang starring roles ay ang StarStruck V winners na sina Sarah Lahbati at Steven Silva at ang mga finalists na sina Enzo Pineda at Diva Montelaba. Ito ang kauna-unahang proyekto ng apat na StarStruck alumni. Ano kaya ang kanilang nararamdaman sa kanilang pinakahihintay na kauna-unahang project dito sa GMA?

"Siyempre pressured po kami, but at the same time, we took it as a challenge, and very happy kami sa outcome ng mga shoot namin sa Camiguin," shared Enzo sa ginanap na press conference for
Exchange of Hearts last Monday, July 12.

Dagdag naman ni Sarah, pinaghandaan naman nilang maigi ang kanilang mga roles dito sa kanilang first project. "Nung wala pa kaming ginagawa, may materials naman kami. We also had workshops - acting workshop, singing workshop, marami pong workshop para mapaghandaan po yung first project, and ito na po yun. And dito namin magagamit yung mga napag-aralan namin," pagkukuwento niya.

Pressure din ang nararamdaman ni Diva sa kanilang first project, and she explained kung bakit hindi maiiwasan ang ganitong pakiramdam. "Kasi, the fact na first project namin ito, we're working with a very well-known director, si Direk Andoy [Ranay], and kapag nasa set na kami, hindi namin iniisip yung pressure kasi hindi talaga siya makakatulong," she admitted.

Nakatulong naman daw na silang apat ang magkakasama para malampasan ang pressure na ito. "Somehow, nagiging kampante na kami sa isa't-isa kasi nga matagal na kaming magkakasama, so nakakabawas siya ng pressure," said Diva.

Abangan sina Sarah, Steven, Enzo at Diva na magpapakilig sa inyo sa
LoveBug presents Exchange of Hearts, na magsisimula na ngayong Linggo after Party Pilipinasonly on GMA.

Pag-usapan sina Sarah, Steven, Enzo at Diva sa mas pinagandang
iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!

Get the latest updates on the StarStruck Final 4.
Just text SARAH / STEVEN / ENZO / DIVA (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers, text GOMMS (space) SARAH / STEVEN / ENZO / DIVA (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.



0 comments: