Search This Blog

Tuesday, July 13, 2010

Love Bug Presscon



By Nitz Miralles
Monday, July 12, 2010 17:32
Journal Online

Ginanap kagabi ang presscon ng cast ng Lovebug presents…Exchange of Hearts sa direction ni Andoy Ranay at kinunan sa Camiguin.

Excited sina Sarah Lahbati, Diva Montelaba, Enzo Pineda at Steven Silva na sama-sama silang aarte sa isang episode ng Lovebug.

Pinakakabado si Steven dahil first acting project niya ito, kaya inaral nang husto ang script at pati ang karakter niyang si Tim.

“I wanna do good” ang sabi nito at kasama yata sa nagpapakaba sa kanya’y ang kissing scene nila ni Sarah.

Third kissing scene na ni Sarah ang halikan nila Steven kaya ’di na masyadong kabado, pero inaral din ang buong script at ang karakter niyang si Rachel.

Parehong jologs ang role nina Enzo at Diva as Emil and Barbie, respectively, at na-challenge ang una dahil ibang-iba sa karakter niya. Okey kay Diva na makatrabaho si Steven na muntik niyang maging BF during the StarStruck V days.

0 comments: